Wednesday, September 23, 2015

Kathang-Isip: Kawalan



Mabilis at mahigpit akong nagtaas-baba sa katigasan niya. Napuno ng ungol at pagmumura ang inuupahan niyang kwarto. Sa gitna ng ingay, naglalakbay ang isip ko, at hindi nakatuon sa pagniniig na ginagawa namin.

"Ito ba talaga ang gusto kong gawin?"

Iniluwa ko ang sa kanya at nagtungo sa banyo upang magmumog. Mas malalakas na mura ang narinig ko sa labas.

"Tang-ina, paano ito?!" bulyaw niya habang sinusuot ko ang tshirt ko.

"May mga kamay ka," walang latoy na sagot ko.

 "Puta lakas mo mambitin pre!"

Binitbit ko na lang ang mga sapatos ko; kinuha ko ang bag ko at lumabas. Di ko siya kinibo o nilingon man lang.

Hindi ko rin mawari kung napano ako at ganun ang ginawa ko. Hindi normal sa akin ang mga ikinilos ko.

Nagsapatos ako pagdating ko sa tindahan sa kanto. "Isang stick pong Marlboro lights, tsaka isang Mentos po."

May satispaksyon akong nararamdaman. Pero yun lang. Wala nang iba. Manhid.

"Putang-ina mo talaga, Aaron."

Sa mga panghuling hitit ko tumunog celphone ko.

"O pre.. Pauwi na.. Saan mo naman naiwan?.. Bakit saan na ba si Dex?.. Hindi na naman nagsabi yan.. Sige, sige.. Mga kalahating oras.. Chillax ka muna. Oks sige.. Bye."

Pumara ako ng tricycle at bumyahe na pauwi.


(Image taken from: http://victoriousvocabulary.tumblr.com/)

Thursday, September 17, 2015

Una


"E kumusta naman kayo?" tanong niya sabay hithit ng yosi at laklak ng Coke Mismo.

"Ayos kami! Lately nakakakitaan ko siya ng galing sa diskarte. At brad, ang sex!"

"Puta, ayan ka na naman!" putol niya sa akin.

Tumawa ako nang malakas, at humithit na rin. "Pero mas masarap Pre ung pag tapos na kami. Cuddling to the max! Magyayakapan lang kami, maghahaplusan. Minsan paglalaruan ko lang si junjun nya. Kapag di ito madumi ah." Tawanan kami ulet nang malakas.

"O e bakit bigla kang natahimik?" tanong ko sa kanya matapos ang sandaling puwang sa aming pagkukwentuhan.

"Ah wala. Naisip ko lang ung mga deadline ko ngayong linggo."

"Wag mo nga ako ma-deadline-deadline dyan! Ilang taon na tayo magkakilala! Alam na alam ko na yang hilatsa ng mukha mo kapag may bumabagabag sa'yo!"

Nangiti lang siya nang bahagya.

"Wala, may naalala lang ako."

"Aba, sumeryoso yata tayo ah. Si Joseph ba yan?"

"Oo."

Nagsindi siyang muli.

"Ginagawa ko kasi sa kanya yan dati. Ayos naman. Kaso kapag ayaw niya. Wala. Malupit lang siya mangsaway. Para bang yamot na yamot siya."

"E ano naman problema dun? Big deal ba yun?!"

Napabuntung-hininga siya.

"Naalala mo si Kuya Rico?"

"Oo, yung pinsan mong hinatid natin sa airport."

Nanliit nang bahagya ang kanyang mga mata at lumalim ang paghinga.

"Brad?.."

"Siya ang una ko."

"Tang-ina!"

"Nanirahan siya sa amin ilang taon bago siya lumipad papuntang Bahrain," patuloy niya. "Nung minsang pumasok ako sa kwarto namin, nahuli ko siyang nagbabate. Nagpa-blowjob siya sa akin. Di ako nakatanggi."

"Puta.."

"Naulit-ulit yun, madalas tuwing bago matulog. Kaso, straight si kuya. Nagka-girlfriend din kalaunan. E hinahanap-hanap ko ung sex namin. Ang kaso, ayaw na niya. Pinagtatabuyan niya ako sa tuwing nagyayaya ako."

"Kaya sa tuwing tinatanggihan ako ni Joseph, kahit katulad nung sa'yo na paghaplos sa etits niya, kahit cuddling at di ko naman gusto ng sex, naalala ko yun. Nauunawaan ko naman siya. Kaso masakit. Bumabalik ung alaala nung kay Kuya Rico. Ilang ulit ko na siyang sinabihan na lagyan ng lambing ang pagtanggi niya, kaso lagi niya nalilimutan."

"Kaya ba kayo naghiwalay?"

"Puta, hindi! Maliit na bagay lang yun!"

"Ah oo nga pala. Si Marie."

"Tang-ina wag mo na ipaalala!"

Napatawa siyang muli.

"Gago ka kasi e. Nag-ilusyon ka pang straight ka!"

"Gago ka rin! Teka nga, anung oras na ba? Nagtext na ba jowa mo?"

"Teka," at nilabas ko celphone ko.

"Kitain daw natin siya sa Timog. Nagyayaya naman ng bilyar ngayon."

"Dami ring trip niyang si Joel ah."

"Oo nga e. Dami naiisip gawin! Bungee jumping daw kami minsan!"

"Hahaha! Ayos!"

"Tara! Baka matrapik pa tayo."

"Tara!"

Tumayo na kami. Tinapik ko na lamang siya sa balikat. Alam ko mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin.


(Image taken from www.shutterstock.com)



Tuesday, September 15, 2015

Bisita


May saya ang aking mga hakbang habang tinutungo ko ang lugar kung saan ka naroon. Sinuot ko ang bagong bili kong polo, at pabangong gustong-gusto mong naamoy. Bitbit ko rin ay isang dosenang pulang rosas, mga bagong putol at kakasimula pa lamang mamukadkad.

Naalala ko nung una kitang binigyan ng bulaklak. Araw ng mga puso iyon mga ilang taon na ang nakakaraan. Pulang rosas din, ngunit noon ay isa lamang. Tago tayo parehas, pero buong pagmamayabang mong binitbit ang nasabing rosas hanggang sa tayo ay makauwi. Lumilipad ang puso ko ng mga sandaling iyon, gaya ng madalas kong nararamdaman sa tuwing kasama kita.

Ilang sandali pa, nakita ko na kung nasaan ka naroon. Napangiti ako. Umupo ako sa tabi mo. Panandalian kong pinagmasdan ang luntian ng mayabong na mga puno at damo sa paligid.

"Tatlong taon na ang nakalilipas. Wala pa ring nagbabago. Mahal na mahal pa rin kita, Marco."

Tinanggal ko isa-isa ang mga natuyong dahon at nilinis ko ang puting marmol. Matapos ay maingat kong inayos ang mga rosas sa ibabaw nito. At ako'y nagtampisaw sa karagatan ng masasayang alaala mo.

(Graphic taken from: hamiltongardens.co.nz)