Wednesday, September 23, 2015

Kathang-Isip: Kawalan



Mabilis at mahigpit akong nagtaas-baba sa katigasan niya. Napuno ng ungol at pagmumura ang inuupahan niyang kwarto. Sa gitna ng ingay, naglalakbay ang isip ko, at hindi nakatuon sa pagniniig na ginagawa namin.

"Ito ba talaga ang gusto kong gawin?"

Iniluwa ko ang sa kanya at nagtungo sa banyo upang magmumog. Mas malalakas na mura ang narinig ko sa labas.

"Tang-ina, paano ito?!" bulyaw niya habang sinusuot ko ang tshirt ko.

"May mga kamay ka," walang latoy na sagot ko.

 "Puta lakas mo mambitin pre!"

Binitbit ko na lang ang mga sapatos ko; kinuha ko ang bag ko at lumabas. Di ko siya kinibo o nilingon man lang.

Hindi ko rin mawari kung napano ako at ganun ang ginawa ko. Hindi normal sa akin ang mga ikinilos ko.

Nagsapatos ako pagdating ko sa tindahan sa kanto. "Isang stick pong Marlboro lights, tsaka isang Mentos po."

May satispaksyon akong nararamdaman. Pero yun lang. Wala nang iba. Manhid.

"Putang-ina mo talaga, Aaron."

Sa mga panghuling hitit ko tumunog celphone ko.

"O pre.. Pauwi na.. Saan mo naman naiwan?.. Bakit saan na ba si Dex?.. Hindi na naman nagsabi yan.. Sige, sige.. Mga kalahating oras.. Chillax ka muna. Oks sige.. Bye."

Pumara ako ng tricycle at bumyahe na pauwi.


(Image taken from: http://victoriousvocabulary.tumblr.com/)

No comments:

Post a Comment